Home NATIONWIDE CAAP, naka-heightened alert sa paparating na Bagyong Tino

CAAP, naka-heightened alert sa paparating na Bagyong Tino

372
0

MANILA, Philippines – Nasa heightened alert na ang lahat ng paliparan at tanggapan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) bilang paghahanda sa Bagyong Tino, ayon kay Director General Raul Del Rosario.

Inutusan ng CAAP ang mga airport manager na seguraduhin ang komunikasyon at navigational equipment, ihanda ang emergency response teams, at makipag-ugnayan sa airlines at lokal na awtoridad para sa posibleng disrupsiyon o kanselasyon ng mga flight.

Tutulungan ang mga stranded passengers sa pamamagitan ng pansamantalang silungan, pagkain, at iba pang pangangailangan, habang na-activate na rin ang Malasakit Help Desks.

Ayon sa forecast, tatama si Tino sa timog ng Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, o Dinagat Islands bandang hatinggabi ng Lunes o madaling araw ng Martes, tatawirin ang Visayas at hilagang Palawan, at lilisanin ang bansa sa pamamagitan ng West Philippine Sea pagsapit ng Miyerkules ng hapon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here