MANILA, Philippines – Inutusan ni Arsobispo Alberto Uy ng Cebu ang lahat ng pari na buksan ang mga simbahan bilang silungan para sa mga apektado ng Bagyong Tino (Kalmaegi), ayon sa kanyang post sa social media nitong Lunes.
Tanging mga simbahan lamang na hindi nasira ng nakaraang lindol ang maaaring tumanggap ng evacuees.
Hinihikayat ni Uy ang mga tao na manatiling ligtas at ipagdasal ang lahat sa gitna ng bagyo.
Ayon sa PAGASA, ang Tino ay papalakas patungong Visayas at hilagang Palawan, na may kasamang malakas na ulan, storm-force winds, at posibleng mapanganib na storm surge.
Inaasahang lilisanin nito ang West Philippine Sea pagsapit ng Huwebes ng umaga. RNT