MANILA, Philippines – Si Mike Ronnel Diwa Castro, isang gradweyt ng Don Honorio Ventura Technological State University (DHVSU/Pampanga State University), ang nanguna sa Certified Public Accountant (CPA) licensure exam noong Oktubre 2025 na may marka na 91.83%, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).
Sa kabuuang 10,171 examinees, 3,460 ang nakapasa sa pagsusulit na isinagawa ng Board of Accountancy sa 18 testing centers sa buong bansa.
Ang Bicol University-Daraga naman ang top-performing school (may hindi bababa sa 50 examinees), kung saan 56 sa 66 test takers ang pumasa o may success rate na 84.85%.
Idinagdag ng PRC na ang resulta ng isang examinee ay naiwang nakabinbin hanggang sa matukoy ang kaniyang pananagutan. RNT