MANILA, Philippines – Ilang flights na nakatakda sa Martes, Nobyembre 4, 2025 ang kinansela dahil sa malalakas na hangin at ulan na dulot ng Bagyong Tino (Kalmaegi) sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Pinapayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline para sa updates at alternatibong biyahe.
November 5, 2025:
T6 5110/5336: Manila – El Nido – Cebu
T6 5337/5179: Cebu – El Nido – Manila
T6 5174/5177: Manila – El Nido – Manila
T6 5172/5173: Manila – El Nido – Manila
T6 5180/5610: Manila – El Nido – Bohol
T6 5611/5181: Bohol – El Nido – Manila
T6 5112/5113: Manila – El Nido – Manila
T6 5176/5538: Manila – El Nido – Coron
T6 5539/5410: Coron – El Nido – Caticlan
T6 5411/5175: Caticlan – El Nido – Manila
Ang mga pasaherong naapektuhan ng mga kanseladong flight sa Martes, Nobyembre 4, 2025 dahil sa Bagyong Tino (Kalmaegi) ay pinapayuhan na mag-rebook sa loob ng 60 araw, gawing travel credits, o humingi ng refund.
Ayon sa PAGASA, tumama ang bagyo sa Silago, Southern Leyte bandang hatinggabi ng Martes.
Inaasahang tatawirin ni Tino ang Visayas at hilagang Palawan mula Martes hanggang madaling araw ng Miyerkules, lalabas sa West Philippine Sea sa Miyerkules ng umaga, at lilisanin ang Philippine Area of Responsibility pagsapit ng Miyerkules ng gabi o Huwebes ng madaling araw. Dave Baluyot