Home METRO Mag-asawang Pacquiao, kanilang anak dedo sa dump truck

Mag-asawang Pacquiao, kanilang anak dedo sa dump truck

372
0

DAVAO DE ORO – Patay ang isang sundalo, asawang buntis, at kanilang anak na menor de edad matapos magsalpukan ang dump truck, iniulat kahapon sa bayan ng Pantukan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Corporal Jennifer Pacquiao, Amahan, 30; misis nitong buntis na si Leizl Pacquiao, 33; at kanilang anak na si Jr. Pacquiao, 13, pawang mga residente sa Purok 9, Kawayan, Magnaga, Pantukan, Davao de Oro.

Nasa kustodiya naman ng Pantukan Municipal Police Station ang suspek at driver ng dump truck na kilala sa pangalang Tino, 50.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente gabi ng Lunes, Oktubre 27, 2025, sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Magnaga ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nag-overtake umano ang dump truck hanggang sa nabulaga ito sa kasalubong na motorsiklo na minamaneho ng sundalo sakay ang kanyang mag-ina.

Hindi na nagawa pang iwasan ni Tino ang motorsiklo ng mga biktima at nasalpok ang mga ito, dahilan para tumilapon sa kalsada ang pamilya Pacquiao na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Nakatakda naman sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property laban kay Tino./ Mary Ann Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here