Home NATIONWIDE Trump, inaasahang maikli lamang pagbisita sa Pilipinas para sa ASEAN Summit

Trump, inaasahang maikli lamang pagbisita sa Pilipinas para sa ASEAN Summit

5
0

MANILA, Philippines – Inaasahang maikli lamang ang magiging pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas para sa ika-49 na ASEAN Summit and Related Meetings ngayong buwan, ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez nitong Huwebes.

Sinabi ni Romualdez na matutuloy ang planong pagdalo ni Trump sa summit dahil mahalagang merkado para sa United States ang rehiyon.

Ayon pa sa ambassador, dadalo si Trump sa huling bahagi ng summit ngunit magiging maikli lamang ang kanyang pananatili dahil dadalo rin ito sa APEC Summit sa China ngayong Nobyembre.

Samantala, nag-isip ang ilang social media users na posibleng lagdaan ang Pax Silica framework sa pagbisita ni Trump sa Maynila. Gayunman, wala pang malinaw na pahayag ang Malacañang kung matutuloy ang naturang kasunduan.

Tinanong din si Romualdez tungkol sa magiging epekto sa Pilipinas ng resulta ng midterm elections sa US, kung saan nakamit ng Democrats ang kontrol sa US Congress.

Sinabi niyang wala itong magiging epekto sa relasyon ng Pilipinas at US dahil marami umanong sumusuporta sa bansa sa Kongreso ng Amerika.

“Sa totoo lang, walang epekto in a sense dahil marami tayong supporters sa US Congress,” ani Romualdez.

“Meron tayong bipartisan support, marami tayong kaibigan na mga Democrats, marami rin tayong kaibigan sa mga Republicans,” dagdag niya.

“So with both parties, meron tayong magandang relasyon, so tuloy-tuloy lang ang ating — ang policy ng US tungkol sa Philippines. Wala tayong problema sa tingin ko lang.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here