Home HOME BANNER STORY Year-end bonus, P5K cash gift matatanggap ng gov’t workers ngayong Nobyembre

Year-end bonus, P5K cash gift matatanggap ng gov’t workers ngayong Nobyembre

366
0

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG tanggapin ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang holiday treat dahil ipalalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang 2025 year-end bonus at P5,000 cash gift simula ngayong buwan.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang inisyatiba ay sumasalamin sa commitment ng administrasyon na kilalanin ang serbisyo at kabayanihan ng mga lingkod-bayan.

“Ang naturang hakbang ng DBM ay pagpapakita ng Marcos administration sa pagpapahalaga sa mga lingkod-bayan at sa kanilang kabayanihan para sa bayan,” ani Castro.

Sa kabilang dako, kinumpirma naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ipalalabas na ang year-end bonus at cash gift “with the first agency payroll of November 2025,” alinsunod sa Budget Circular No. 2024-3.

“Pinapahalagahan po natin ang sipag at kahusayan ng ating mga lingkod-bayan kaya naman sinisiguro nating maibibigay sa tamang oras ang kanilang mga benepisyo,” ayon sa Kalihim.

“We know how much government personnel look forward to this time of the year — not just because it’s the season of giving, but because it’s a well-deserved recognition of their service and sacrifice,” aniya pa.

Samantala, para sa fiscal year 2025, naglaan ang DBM ng P63.69 billion para sa year-end bonus ng mga sibilyan at uniformed personnel, at P9.24 billion para sa cash gift. Mapakikinabangan ito ng mahigit sa 1.85 million government workers sa buong bansa.

Ang year-end bonus ay katumbas ng one month’s basic pay as of Oct. 31.

Sa ilalim ng DBM rules, ang mga empleyadong nakapagkaloob ng apat na buwan ng serbisyo mula Jan. 1 at nananatili sa government service as of Oct. 31 ay kuwalipikado na makatanggap ng benepisyo.

Pinaalalahanan naman ng DBM ang lahat ng ahensya na tiyakin ang agarang pagpapalabas ng mga bonus alinsunod sa umiiral na budget circulars. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here