Home ENTERTAINMENT Binoe, nagkuwento sa dementia ng ina!

Binoe, nagkuwento sa dementia ng ina!

307
0

Manila, Philippines — As far as the Padilla family is concerned, nagkaroon ng dementia ang matriarch nitong si Eva Cariño-Padilla noong pumanaw ang anak nitong si Royette noong 2021.

Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, nag-open up si Sen. Robin Padilla tungkol sa pinagdadaanan ni Mommy Eva.

During her healthier days, kilalang matapang ang showbiz mom—bagay na itinuro pala niya sa kanyang mga anak.

Ani Robin, their mom taught them to be strong anuman ang mangyari: “Hindi ’yung iiyak ka na lang!”

Ang hindi alam ni Robin at ng kanyang mga kapatid, the very person who taught them how to be strong ay maya’t mayang umiiyak.

Ito’y lalo na raw pag naaalala nito ang masasakit na kabanata sa kanyang buhay.

May mga episodes din daw na hindi alam ni Mommy Eva kung sino at nasaan siya.

As a wife, Mommy Eva—who had a local politician for a partner—had to remain strong for her kids.

Isang beses isang buwan lang daw umuuwi sa kanila ang ama.

Presently suffering from dementia, kung gusto mo raw makitang nakangiti si Mommy Eva ay kantahan mo siya ng mga awiting Maalala Mo Kaya at Dahil Sa Iyo.

These immortal songs—ani Robin—bring back happy memories ng pagsasama ng kanilang mga magulang.

Medyo nag-guilty lang si Robin nang ipaalala niya sa ina kung sasadya daw ba ito sa libingan sa Araw ng mga Patay.

Napaiyak na lang daw kasi ang ina, who was made aware of her son Royette’s death.

Kilalang maka-ina si Robin, tulad ng iba pang mga anak ni Mommy Eva, who’ll do anything and everything to make her happy.
Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here