MANILA, Philippines – Nakabawi na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng limang transmission lines sa Visayas at Mindanao matapos tamaan ng Bagyong Tino (Kalmaegi), habang dalawa ang partial na nakapag-energize at limang linya ang hindi pa gumagana.
Ayon sa advisory ng NGCP, na-restore na ang Nabas-Unidos 69kV line na nagseserbisyo sa Aklan Electric Cooperative (AKELCO) noong 11:02 p.m. Martes. Kasama sa mga na-restore na linya ang Nabas-Sapian 69kV (AKELCO), Nabas-Culasi-Bugasong 69kV (ANTECO), Amlan-San Carlos 69kV (NORECO I & II), at Bislig-Pob Barobo 69kV (SURSECO I).
Ang mga linya na partial na nakapag-energize ay Ormoc-San Isidro 69kV at Ormoc-Baybay 69kV, na nagseserbisyo sa ilang electric cooperatives sa Leyte, Southern Leyte, at Biliran. Samantala, ang mga linyang hindi pa gumagana ay Maasin-Baybay, Calongcalong-Asturias, Compostela-Consolacion, Bacolod-San Enrique, at San Jose-Bugasong, kasama ang tatlong 138kV at isang 230kV na linya.
“NGCP has mobilized its line crews and is currently conducting patrols. Simultaneous restoration activities are also being conducted in areas already accessible,” ayon sa advisory. Santi Celario