Home NATIONWIDE Tigok kay Tino, umakyat na sa 66NATIONWIDETOP STORIES Tigok kay Tino, umakyat na sa 66November 5, 2025 11:312730 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Umakyat sa 66 ang naiulat na nasawi dahil kay Bagyong Tino (Kalmaegi), ayon sa Office of Civil Defense (OCD).Karamihan sa mga nasawi ay nasa Central Visayas na may 50 katao, habang Region 6 ay isa, Negros Island Region pito, at Region 8 dalawa.Kasama rin sa bilang ang anim na crew ng helicopter na nasawi sa pagbagsak nito.May 26 na tao rin ang nawawala—13 sa Negros Occidental at 13 sa Cebu—at hindi bababa sa 10 ang nasugatan.Apektado ng bagyo ang 707,000 katao o 204,000 pamilya, kung saan 102,000 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center. RNT