Home ENTERTAINMENT Zsazsa, bet tirisin ang mga basher!

Zsazsa, bet tirisin ang mga basher!

306
0

Manila, Philippines — Sa X social media account ni Zsazsa Padilla, hindi napigilang maglabas ng disgusto ang singer-actress dahil sa mga bashers.

Nababatikos kasi ang kanyang anak na si Zia ng ilang mga pa-savage. May mga nang-iintriga pang ampon umano ang kanilang anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Tweet niya: “Si Zia kamukha ni Dolphy. Magulat kayo kung kamukha sya ni Panchito! Ang aga pa ah. Eto pa isa—asaan ang ampon? May pangalan anak ko: Coco. She is living in California with her husband. Kala nyo inaapi? Minor pa din? Tawag ka ng pulis. Report mo ako. Sarap nyo tirisin. #MayArawParaPumatol.”

Nakakuha naman ng mga kakampi ang tinaguriang Divine Diva laban sa mema ng kanyang detractors.

Ito ang ilan sa kanilang random na mga komento:

“Ms. Zsazsa, ilabas mo si Zsaturna tapos ipalamon mo sila sa giant palaka.”

“I love this miss Z. More patol po. Pakitiris mga garapata.”

“My mama Z on her patola era hahhaha.”

Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here