Home NATIONWIDE DA, humiling ng P1B pondo para sa bakuna kontra ASF

DA, humiling ng P1B pondo para sa bakuna kontra ASF

2
0

MANILA, Philippines – Humihiling ang Department of Agriculture (DA) ng P1 bilyong pondo para sa pagbili at pamamahagi ng bakuna laban sa African swine fever (ASF) para sa mga maliliit na babuyan sa buong bansa sa 2027.

Ayon kay DA spokesperson Arnel de Mesa, kabilang ito sa mga kahilingan ng ahensya para sa susunod na taon.

“At isa sa request namin sa 2027 ay magkaroon ng allocation ng bakuna para sa mga smallhold natin,” ani De Mesa sa panayam ng mga mamamahayag.

Nauna nang inaprubahan ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang komersyal na pagbebenta ng AVAC ASF LIVE, ang unang bakuna laban sa ASF na magagamit para sa mga baboy na inaalagaan para sa produksyon ng karne.

Sinabi ni De Mesa na may mga hog raiser nang nag-aangkat ng naturang bakuna mula sa Vietnam.

Samantala, nasa huling yugto na ang pagsusuri sa PROVAC vaccine mula South Korea.

“Alam ko yung Korea yung susunod, na almost tapos na. Nasa last stages na sila,” ani De Mesa.

Gayunman, sinabi niyang posibleng hindi pa maipamahagi ang bakuna mula South Korea bago matapos ang taong ito. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here