Home HOME BANNER STORY Flood control projects sa Cebu, ghost project o substandard – gobernador

Flood control projects sa Cebu, ghost project o substandard – gobernador

452
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Cebu Governor Pamela Baricuatro nitong Miyerkules, Oktubre 5 na lahat ng flood control projects sa probinsya mula pa noong 2019 ay ghost o substandard projects.

Ani Baricuatro, ang Cebu ay mayroong mahigit P26 bilyong halaga ng flood control projects na kanilang ininspeksyon at ipinasa na ang report sa Independent Commission for Infrastructure.

“You began to ask the question kung bakit grabe yung flash floods dito when we have P26.6 billion for flood control projects,” anang gobernador sa panayam ng ANC.

Napag-alaman din sa imbestigasyon ng Cebu government na ilan sa mga contractor ang gumamit ng mga lisensya ng ibang kompanya para makapagtayo ng flood control infrastructure.

Cebu ang isa sa pinakanapuruhan ng Bagyong Tino kung saan umaabot na sa 49 ang bilang ng mga nasawi, ayon kay Civil Defense Deputy Administrator for Administration Bernardo Rafaelito Alejandro IV.

“It was by far the worst flash flood caused by a typhoon in the history of Cebu,” ani Baricuatro.

“In less than 10 minutes, the water rose dramatically,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi ng PAGASA na nagbagsak ang bagyong Tino ng mahigit sa isang buwan na katumbas ng ulan sa Southern Leyte at Cebu.

Sa pagitan ng alas-8 ng umaga ng Lunes hanggang alas-8 ng umaga ng Martes, naitala sa Maasin City sa Southern Leyte ang 235.2 millimeters ng ulan o 235 litro ng tubig ang ibinubuhos sa bawat square meter area sa lungsod.

Katumbas ito ng 33 araw ng ulan sa buwan ng Nobyembre.

Sa Mactan Station sa Lapu-Lapu City, Cebu, nagbuhos naman ang bagyong Tino ng 183 mm ng ulan o katumbas ng isang buwan at kalahating dami ng ulan tuwing Nobyembre. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here