Home NATIONWIDE Biyahe ng mga barko, bangka sa pantalan sa Davao, Surigao at Zamboanga...

Biyahe ng mga barko, bangka sa pantalan sa Davao, Surigao at Zamboanga balik-normal na

304
0

MANILA, Philippines – Inalis na ng Philippine Coast Guard (PCG) Davao region ang suspensyon ng byahe ng mga barko sa Visayas dahil sa bumubuting lagay ng panahon.

Pinayagan na rin ng PCG station sa Surigao del Nore ang mga sasakyang-pandagat na maglayag mula sa probisnya ng Cebu.

Sinabi ni Surigao del Norte PCG station comamnder Ensign Roy Christopher Orillaneda, na ang tropical cyclone warning signal ay wala na sa Cebu.

Nangangahulugang maaari nang tumuloy sa kanilang destinasyon ang mga stranded na pasahero sa daungan sa Surigao City at Lipata.

Inalis din ng PCG station sa Zamboanga City ang suspension ng sea travel sa mga island provinces ng Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi noong Miyerkules.

Noong madaling araw noong Miyerkules, ang Bagyong Tino ay ikapitong naglandfall sa Palawan, kung saan naapektuhan lamang ang maliit na bahagi ng Visayas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here