Home NATIONWIDE P200K shabu at ecstacy nasabat sa Cavite

P200K shabu at ecstacy nasabat sa Cavite

340
0

MANILA, Philippines – NASA mahigit sa P200,000 halaga ng shabu at ecstasy ang nasamsam at nagresulta sa pagkakaaresto sa isang tulak sa isinagawang buy bust operation sa Bacoor City, Cavite.

Hawak na ng Bacoor Component City Police Station (CPS) ang naarestong suspek na si alyas Polo ng nasabing lugar.

Ayon sa report, bandang alas-8:25 kamakalawa ng umaga nang nagsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Provinicial Drug Enforcement Agency (PDEA) Cavite Provincial Office katuwang ang PDEA RO IV-A RSET II at Bacoor Component City Police Station sa Pinyahan St., na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska sa operasyon ang isang maliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang limang gramo na nagkakahalaga ng ₱34,000; isang plastic sachet na naglalaman ng anim na piraso ng hinihinalang ecstacy capsule; dalawang puting screw cap bottles na naglalaman ng kabuuang 114 piraso ng hinihinalang ecstacy capsule na nagkakahalaga ng ₱204,000; isang cellular phone; at boodle money o kabuuang P268,000.00.

Ang naarestong suspek ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Selling of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinabi ni PCOL Ariel R. Red, Acting Provincial Director ng Cavite PPO na ang pagkakasamsam ng mahigit P200,000 halaga ng iligal na droga ay malinaw na patunay ng dedikasyon ng kapulisan at mga katuwang na ahensya sa pagpuksa sa droga. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here