Home NATIONWIDE Mga paliparan na dinaanan ni Tino, bahagya lang nasira – CAAP

Mga paliparan na dinaanan ni Tino, bahagya lang nasira – CAAP

225
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bahagya lamang ang pinsalang tinamo ng mga paliparan na dinaanan ng Bagyong Tino, ayon sa kanilang paunang pagtatasa.

Ayon kay CAAP Director General Raul Del Rosario, ilang paliparan ang nakaranas ng kaunting pinsala sa istruktura ngunit walang naitalang malaking sira o aberya sa flight operations.

“We have already deployed our personnel on the ground to assess any damaged facilities and ensure immediate repair actions,” aniya.

Nakapagtala ng pagbaha sa rescue station ng San Vicente Airport sa Palawan, bahagyang sira sa bubong ng terminal sa Borongan Airport, at basag na salamin at sirang kisame sa Hilongos Airport sa Leyte. Sa Guiuan Airport sa Eastern Samar, minor na sira sa bubong at alulod ang naiulat.

Kumpirmado ng CAAP na ligtas at walang pinsala ang 10 international airports kabilang ang NAIA, Mactan-Cebu, at Clark.

Umalis na sa West Philippine Sea ang Bagyong Tino matapos ang pitong landfall, na nagdulot ng malawakang pagbaha at ikinasawi ng 66 katao sa Visayas at Palawan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here