BUTUAN CITY – Natagpuan na ng mga awtoridad ang bangkay ng anim na tauhan ng Philippine Air Force (PAF) na nasawi matapos bumagsak ang kanilang Super Huey helicopter sa Barangay Sabud, Loreto, Agusan del Sur noong Martes habang nagsasagawa ng relief mission para sa mga apektado ng Bagyong Tino.
Ayon kay Maj. Jennifer Omiter, tagapagsalita ng PRO-13, tumulong ang mga pulis at scene-of-crime operatives sa PAF sa pagsagip, imbestigasyon, at pagbabantay sa lugar. Inatasan din ni PRO-13 Director Brig. Gen. Marcial Mariano Magistrado IV ang buong suporta sa operasyon.







