Home NATIONWIDE DOE: 1.4M kabahayan pinadilim ni Tino

DOE: 1.4M kabahayan pinadilim ni Tino

247
0

MANILA, Philippines – Tinatayang 1.4 milyong kabahayan sa Visayas ang walang kuryente matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino, ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Miyerkules.

Ayon kay DOE Undersecretary Felix William Fuentebella, katumbas ito ng humigit-kumulang pitong milyong residente na apektado ng power interruptions.

Sinabi niya na nagpapatuloy ang mga gawaing pagpapanumbalik ng kuryente, ngunit nakadepende pa rin ito sa pagbuti ng panahon.

Ayon naman kay Energy Secretary Sharon Garin, “I understand that it’s about seven million people that are affected… This is a big task. But we are assuring you that we are working hard. Even at nighttime, there are people working on the ground so we can restore it within a few hours.”

Batay sa datos ng National Electrification Administration (NEA), 53 electric cooperatives sa 10 rehiyon ang naapektuhan, kabilang ang Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Negros Island.

Sa mga ito, 17 ang bumalik na sa normal na operasyon, 24 ang may bahagyang aberya, at siyam ang wala pa ring suplay ng kuryente. Tatlong kooperatiba pa ang hindi nakapagsusumite ng ulat.

Ayon sa NEA, umabot sa ₱836,868.38 ang pinsala sa mga electric cooperative, habang iniulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na apat na 69-kV lines, isang 138-kV line, at isang 230-kV line ang nananatiling hindi gumagana. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here