Home NATIONWIDE Christmas bonus ng mga pulis, ipamimigay na sa susunod na linggo

Christmas bonus ng mga pulis, ipamimigay na sa susunod na linggo

365
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang maagang pamamahagi ng Christmas bonus at cash gift para sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Aabot sa 227,693 aktibong pulis ang makatatanggap ng kabuuang P8.7 bilyon sa year-end bonus, habang 2,807 retirado naman ang tatanggap ng P92.8 milyon sa Nobyembre 13.

Ang bonus ay katumbas ng isang buwang sahod at may kasamang P5,000 cash gift, ayon sa Department of Budget and Management.

Nagpasalamat si Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa Pangulo, at sinabing ito ay “makahulugang pagkilala sa sakripisyo at dedikasyon ng ating mga pulis.”

Hinimok naman ni PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño ang mga pulis na “gamitin nang matalino ang bonus at ipagpatuloy ang kanilang serbisyo para sa kaligtasan ng mamamayan.”

Saklaw ng benepisyong ito ang lahat ng kawani ng gobyerno na nakapaglingkod nang hindi bababa sa apat na buwan hanggang Oktubre 31, 2025. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here