Home NATIONWIDE Mga pamilyang sapul ni Tino, bibigyan ng emergency cash aid ng DSWD

Mga pamilyang sapul ni Tino, bibigyan ng emergency cash aid ng DSWD

288
0

MANILA, Philippines– Inihahanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatupad ng emergency cash transfer (ECT) program upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Tino (Kalmaegi), katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao, layunin ng ECT na matulungan ang mga pamilya sa pagbili ng mahalagang pangangailangan at materyales para sa pag-aayos ng mga nasirang bahay.

Ang programa ay ipinapatupad matapos ang deklara ng state of calamity, kumpirmasyon na gumagana ang lokal na pamilihan, at ang Post-Disaster Needs Assessment (PDANA) upang tukuyin ang pangangailangan ng dagdag na tulong pinansyal.

“This is 75 percent of regional minimum wage rate and it is multiplied by the number of days agreed upon with the local government units to support the early recovery of those who have been affected,” paliwanag ni Dumlao.

Kasabay nito, patuloy ang pamamahagi ng family food packs, ready-to-eat meals, at mainit na pagkain sa pamamagitan ng mobile kitchens. Mahigit P69 milyon na ang nailabas na tulong sa mga apektadong pamilya.

Bago pa man ang landfall ni Tino, nakapaghanda na ang DSWD ng mahigit 2.1 milyong food packs sa buong bansa, partikular sa Visayas at hilagang Palawan.

Naghahanap din ang ahensya ng mga boluntaryo upang tumulong sa paghahanda ng food packs sa disaster resource centers sa Pasay City at Mandaue City. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here