Home NATIONWIDE 5 magkakapatid nailigtas ng NBI sa pagbusabos ng Austrian nat’l

5 magkakapatid nailigtas ng NBI sa pagbusabos ng Austrian nat’l

280
0

MANILA, Philippines – Nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI), katuwang ang Department of Social Welfare and Development, ang limang magkakapatid sa Leyte na umano’y inaabuso ng Austrian na nobyo ng kanilang ina.

Ang kaso ay inirerekomenda ng Austrian authorities matapos arestuhin ang lalaki sa umano’y pamamahagi ng child sexual abuse materials online.

Lumabas sa imbestigasyon na habang nagpakilala siyang “ama,” inaabuso niya ang mga bata sa pagkuha ng hindi angkop na larawan at pagpapadala nito sa online pedophile groups.

Ang chat logs sa English at German ang ginamit bilang ebidensya sa ilalim ng Online Sexual Exploitation of Children (OSAEC) law.

Ang mga batang nailigtas ay kasalukuyang nasa custody ng DSWD at tumatanggap ng psychosocial intervention.

Pinayuhan ng NBI ang mga magulang na bantayan ang paggamit ng social media ng kanilang mga anak upang maprotektahan sila laban sa online predators. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here