Home METRO CBCP nanawagan ng pananagutan, pagbabalik-loob sa gitna ng isyu ng katiwalian

CBCP nanawagan ng pananagutan, pagbabalik-loob sa gitna ng isyu ng katiwalian

305
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si CBCP President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David para sa pananagutan at pagbabalik-loob sa gitna ng mga isyung may kinalaman sa katiwalian sa pondo ng flood control projects.

Ayon kay Cardinal David, hindi lamang paglabag sa batas ang korapsyon kundi isang mabigat na kasalanang moral na sumisira sa tiwala ng taumbayan.

Hinikayat niya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga nasa uniformed service na manatiling tapat sa konstitusyon at sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Ayon sa cardinal, pairalin ang mapayapang paraan, pagsunod sa batas, at pagkakaisa ng simbahan at sambayanan upang itaguyod ang katotohanan at kabutihan ng lahat.

Naniniwala si Cardinal David na sa tulong ng Diyos, mananaig ang liwanag at katotohanan laban sa kasinungalingan at katiwalian, at maitatayo ang bansang marangal, makatarungan, at tunay na malaya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here