Home ENTERTAINMENT Claudine at utol ni Korina, may relasyon?

Claudine at utol ni Korina, may relasyon?

308
0

Manila, Philippines – A romantic breaker from it all.

Masasabing “intermission” sa kabila ng tensyonadong buhay these days ni Claudine Barretto ang kalagayan ng kanyang puso ngayon.

Nangangamoy kasing magkakaroon ng panibagong inspirasyon ang aktres.

Ito ay base sa mga larawang ipinost niya sa Instagram nitong October 30.

Kasama ni Claudine ang tinukoy na si Milano Sanchez, younger brother ng batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez.

Kalakip ng kanyang caption sa mga photos ay ang sunud-sunod na post ni Claudine: “Can you really wait? No matter how long? No one will break me? Swear?”

Naka-tag ‘yon kay Milano via his IG handle.

Isa sa mga pictures shows Claudine na nakayakap kay Milano habang nakaupo sa silya.

Tinakpan ni Claudine ng kanyang kamay ang mukha ni Milano, who actually posted the pics ahead of the actress.

At mapapansin nga ang post ni Milano na: “The courtship starts now!”

Sinundan ng: “No matter how long I will wait. No one will ever break you again!”

As though the sweetness isn’t enough, nilagyan pa ni Milano ito ng background music to the tune of Jose Mari Chan’s Can We Just Stop and Talk A While.”

Makikita sa background in an undisclosed place ang ilang stalls sa paligid.

May photo rin na kita ang mukha ni Milano.

On Milano’s IG Feed, may larawan din silang magkasama ni Korina.

Sa comment section ay bumaha ng suporta kay Claudine ang mga netizens.

Matatandaang of late ay nasa mata ng kontrobersya ang ina ni Claudine na si Mommy Inday who has accused her estranged son-in-law Raymart Santiago of mistreating her youngest daughter.

Si Milano na nga kaya ang pagkukunan ni Claudine ng inspirasyon sa buhay?

Who knows? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here