Home ENTERTAINMENT Xyriel, umaming ‘retokada’ ang ilong!

Xyriel, umaming ‘retokada’ ang ilong!

341
0

Manila, Philippines – Para wala nang diskusyon, minabuti ng Kapamilya actress na si Xyriel Manabat to come forward and proudly say: “Retokada po ilong ko!”

Pag ganito nga namang may pag-amin na, mananahimik na ang mga laiterang bashers.

Isang netizen kasi ang nagkamali sa comment nito na: “Pure beauty, no retoke!”

Kaagad namang nilinaw na Xyriel na bagama’t maituturing na compliment ‘yon, it’s far from the truth.

Siya na kasi mismo ang nagkorek that the netizen has a mistaken notion.

Gayunpaman, pahabol ni Xyriel sa netizen: “Labyu!”

Duda naman ang ilang netizens kung honest mistake ang tinuran ng naunang netizen, lalo’t ipinagdiinan nitong hindi siya aware dahil aniya, wala raw siyang hilig mangalkal ng isyu.

Puwede rin kasing ma-misterpret ‘yon para umamin si Xyriel–a test ‘ika nga sa kanyang katapatan.

Pero marami ang humanga kay Xyriel for being honest enough.

Effective na paraan daw ang naisip niya para hindi na humirit ang mga bashers at manglait pa nang bonggang-bongga.

Ilan sa mga kapwa Pinoy Big Brother Celebrity Collab edition housemates na humanga sa honesty ni Xyriel ay sina Josh Ford at AZ Martinez.

Parang Ynez Veneracion lang ang peg na proud sa kanyang “witch nose”! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here