Home METRO Rider, utas sa concrete base ng poste ng solar streetlight sa Ilocos...

Rider, utas sa concrete base ng poste ng solar streetlight sa Ilocos Norte

4
0

ILOCOS NORTE, Philippines – Hindi nakaligtas sa kalawit ni kamatayan ang isang 28-anyos na lalaki matapos bumangga sa concrete base ng  poste ng solar streetlight ang minamaneho nitong motorsiklo sa bayan ng Bacarra ng lalawigang ito nitong madaling araw ng Miyerkules, Nobyembre 18.

Ayon sa Bacarra Municipal Police Station, ang biktima ay residente ng naturang bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima na mabilis umano ang patakbo sa minamanehong motorsiklo ay bumibiyahe papuntang hilagang direksyon.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, hinihinalang nawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan ang biktima hanggang sa bumangga ang motor nito sa concrete base ng  poste ng solar streetlight.

Resulta nito, nagtamo ng head injury ang biktima.

Ang biktima ay mabilis na isinugod Gov. Roque B. Ablan Memorial Hospital.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here