Home NATIONWIDE Malakas na ulan, ibinabala sa 25 lugar sa Luzon at Visayas sa...

Malakas na ulan, ibinabala sa 25 lugar sa Luzon at Visayas sa hagupit ni Fung-Wong

293
0

MANILA, philippines – Nagbabala ang PAGASA na makararanas ng malakas na pag-ulan ang 25 lugar sa Luzon at Visayas sa Linggo bunsod ng Severe Tropical Storm Fung-Wong.

Sa abiso nitong alas-5 ng umaga, sinabi ng PAGASA na aabot sa 100–200 mm ang ulan sa Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes, habang 50–100 mm naman sa ilang lalawigan gaya ng Apayao, Kalinga, Mountain Province, Cagayan, Nueva Ecija, Bulacan, Albay, Sorsogon, at Northern Samar, at iba pa.

“Forecast rainfall may be higher in mountainous and elevated areas. Moreover, impacts in some areas may be worsened by significant antecedent rainfall,” ayon sa PAGASA.

Pinayuhan din ng ahensya ang mga lokal na tanggapan ng disaster risk reduction and management na magpatupad ng mga kinakailangang hakbang para sa kaligtasan ng publiko.

Lalong lumakas bilang severe tropical storm ang Fung-Wong nitong Biyernes ng madaling araw, habang patuloy na nakaaapekto ang Amihan sa matinding hilagang-silangang bahagi ng Luzon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here