Home METRO PDLs sa Malabon City Jail, nag-noise barrage; ‘pang-aabuso’, inireklamo

PDLs sa Malabon City Jail, nag-noise barrage; ‘pang-aabuso’, inireklamo

349
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng noise barrage ang daan-daang inmates sa Malabon City Jail Huwebes ng hapon, bilang protesta sa umano’y problema sa pagkain at sistema ng mga bisita.

Naghagis din sila ng mga bagay gaya ng karton at bote mula sa rooftop.

Ayon kay Jail Chief Superintendent Baby Noel Montalvo ng BJMP-NCR, nagsimula ang protesta alas-2 ng hapon at tumagal ng halos dalawang oras, na kinasasangkutan ng inmates sa tatlong palapag.

Dumating ang mga opisyal, kasama si Mayor Jeannie Sandoval, para pakinggan ang hinaing ng mga PDL. Nangako ang LGU na magbibigay ng food packs sa halos 500 inmates.

“Sabi ko, babalik ako dito, magbibigay ako sa kanila ng mga pagkain… may bigas, may kape, may delata…,” ani Sandoval.

Sinibak na sa puwesto ang jail warden at pansamantalang uupo bilang warden si Jail Chief Inspector Lucky Dionisio.

Iniimbestigahan ng BJMP ang mga reklamo; ito na ang ikatlong noise barrage ng mga inmate. Wala namang naiulat na nasaktan.

Binanggit ni Montalvo na ang araw-araw na menu ay naka-display at regular na iniinspeksyon, ngunit patuloy pa rin nilang susuriin ang mga reklamo para sa transparency. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here