Home NATIONWIDE Inisyal na pinsala sa agrikultura ni Tino, umabot sa P13.26-M

Inisyal na pinsala sa agrikultura ni Tino, umabot sa P13.26-M

313
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Agriculture (DA) na umabot sa ₱13.26 milyon ang paunang pinsala sa agrikultura sa Western at Eastern Visayas dulot ng Bagyong Tino, batay sa paunang ulat mula sa regional field offices.

Ang mga apektadong produkto ay palay, mais, high-value crops, livestock, at poultry. Pinakamalaking pinsala ang tinamo ng palay na umabot sa ₱10.76 milyon, sinundan ng mais (₱1.62 milyon), high-value crops (₱461,020), at livestock at poultry (₱45,350). Nasira rin ang agricultural infrastructure at kagamitan sa halagang ₱370,000. Umabot sa 613 metric tons sa 552 hektarya ang production loss.

Ayon sa DA, ulat mula sa Negros Island at Central Visayas ay hindi pa natatanggap dahil sa malawakang pagbaha.

Para tulungan ang mga apektadong magsasaka at mangingisda, mamamahagi ang DA ng ₱216.39 milyon na farm inputs, ₱1.12 milyon na animal feeds at supplements, at ₱841,600 halaga ng fingerlings para sa mga mangingisda. Naka-standby rin ang 2.6 milyong sako ng bigas mula sa National Food Authority para sa LGUs at relief agencies.

Maaaring humiram ang mga kwalipikadong magsasaka ng ₱25,000 sa ilalim ng SURE Loan Program, at ang mga insured na magsasaka ay maaaring makakuha ng indemnification mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here