Home NATIONWIDE LGUs pinaghahanda ng DILG sa hagupit ni Bagyong Fung-Wong

LGUs pinaghahanda ng DILG sa hagupit ni Bagyong Fung-Wong

318
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units (LGUs) na maghanda sa pagdating ng Tropical Storm Fung-Wong, na maaaring lumakas bilang Super Typhoon Uwan pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo.

Inatasan ng DILG ang mga LGU na linisin ang mga daluyan ng tubig, suriin ang mga kalsada at tulay, ihanda ang mga evacuation center, at magplano ng preemptive evacuation sa mga lugar na nasa panganib.

“We cannot be caught off guard. LGUs must take all precautionary steps now—activate disaster councils, prepare evacuation sites, and warn at-risk communities,” ayon sa DILG, habang unti-unti pa lamang nakakabangon ang ilang lugar mula sa Bagyong Tino.

Inutusan din ng ahensya ang mga rescue at emergency teams na manatiling naka-alerto at magpreposisyon ng kagamitan at ayuda para sa agarang pagtugon sa oras na tumama ang bagyo.

“Preparedness saves lives. We call on all LGUs to act now to prevent casualties,” dagdag ng DILG.

Ayon sa PAGASA, maaaring lumakas ang Fung-Wong bilang super typhoon at magdala ng Signal No. 5 na kundisyon sa bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon ngayong weekend. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here