MANILA, Philippines – Balak ng Department of Agriculture (DA) na magtakda ng maximum suggested retail price (MSRP) para sa imported red onions upang mapigilan ang overpricing kahit na sapat ang suplay, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. noong Huwebes.
“Somebody is taking advantage, and I suspect it’s the retailers. So, we might impose an MSRP for imported red onions,” ani Laurel. Maaaring ipatupad ang cap sa susunod na linggo, na nasa ₱100–₱120 kada kilo. Sa kasalukuyan, nagbebenta ang imported red onions sa ₱90–₱160/kilo, at lokal na onions sa ₱120–₱200/kilo.
Pinayagan na rin ng DA ang import ng 50,000 MT ng red onions hanggang Enero 2026 upang punan ang kakulangan sa lokal na suplay.
Binanggit din ni Laurel na binabantayan ng DA ang presyo ng live hog at pork sa merkado, matapos itakda ang ₱210/kilo minimum farmgate price para sa mga raiser.
Sa kabila nito, nananatiling mataas ang presyo ng pork belly, kaya isinasaalang-alang ang MSRP na ₱330/kilo. Patuloy ang konsultasyon sa mga stakeholder para finalisin ang price ceilings ng onions at baboy. Santi Celario