Home NATIONWIDE DSWD: Kapansanan ‘wag gawing katutuwaan sa social media

DSWD: Kapansanan ‘wag gawing katutuwaan sa social media

270
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na huwag gawing libangan o trend sa social media ang disabilities, kaugnay ng “Emily Blind Prank” sa TikTok.

“Ang paggaya sa mga taong may kapansanan ay anyo na ng pang-aalipusta at nagpo-promote ng diskriminasyon,” ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao.

Binanggit din niya na pinapababa ng ganitong trend ang tunay na pakikibaka ng mga PWD at kanilang pamilya, na humaharap sa pinansyal at sosyal na hamon.

Binigyang-diin ng DSWD at National Council on Disability Affairs (NCDA) na labag ito sa Republic Act No. 9442, na nagbabawal sa pampublikong pang-aalipusta ng mga PWD at may kaakibat na pananagutan sa batas.

Hinikayat ni Dumlao ang publiko na i-report sa NCDA ang anumang mocking content at gamitin ang social media para itaguyod ang inklusyon, respeto, at kamalayan tungkol sa mga taong may kapansanan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here