Home NATIONWIDE Operasyon ng mga pantalan, balik-normal na—PPA

Operasyon ng mga pantalan, balik-normal na—PPA

377
0

MANILA, Philippines – Makakabiyahe na ang mga barko sa mga pantalan na naapektuhan ng bagyong Tino.

Ito ay matapos maibalik sa normal ang operasyon ng lahat ng pantalan na nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Ports Authority (PPA), matapos tuluyang makalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo na nanalasa sa ilang lugar sa bansa.

Ipinatupad ng Philippine Coast Guard (PCG) ang “no-sail policy” sa kasagsagan ng bagyo para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Kaugnay nito, nagsagawa ang mga Port Management Office (PMO) ng kani-kanilang post-typhoon port inspection upang matiyak ang kaligtasan at maayos na kondisyon ng mga pasilidad, estruktura, at kagamitan sa mga pantalan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here