MANILA, Philippines – Ipinagpaliban ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa Dagupan City sa Lunes, Nobyembre 10, 2025.
Ito ay dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Fung-Wong, na tatawaging Uwan kapag nakapasok na ng bansa.
Binigyang-diin ng pamahalaan sa paalala, “manatiling ligtas, sundin ang opisyal na abiso, at unahin ang kaligtasan ng inyong mga pamilya,” ayon kay Acting Mayor Dean Bryan Kua. RNT