Home NATIONWIDE EPIRA Law kakalkalin sa Senado

EPIRA Law kakalkalin sa Senado

288
0

MANILA, Philippines – Gustong kalkalin ng Senado sa pamamagitan ng kumprehensibong pagsusuri ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001 upang tugunan ang patuloy na hamon sa energy sector, kabilang ang mataas na halaga ng elektrisidad, naantalang transmission projects, at mahinang implementasyon ng mga regulasyon.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Energy, sinabi ni Senador Pia Cayetano na dapat muling suriin ang 20-taong batas upang tukuyin kung epektibo ang safeguards sa gitna ng nagbabagong kondisyon sa pamilihan.

“These problems are consistently brought to our attention, and they call for a careful review of whether EPIRA’s original safeguards and requirements, such as the public offering and cross-ownership restrictions, are still effective and relevant in today’s market condition,” ani Cayetano.

Aniya, isinabatas ang EPIRA upang maging liberal at umunlad ang power industry, na may layuning tiyakin ang affordable, reliable, and sustainable electricity para sa Filipino.

“As policymakers, we must ensure that our laws not only encourage investment and innovation but also protect consumers and promote fair competition,” giit niya.

Isinusulong naman ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagpapalakas ng implementasyon ng kapangyarihan ng Energy Regulatory Commission (ERC), partikular ang pagpataw ng multa sa power companies na responsable sa naantalang proyekto.

Binanggit niya ang kaso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), na pinatawan ng halagang PHP15 million lamang para sa 34 delayed projects.

“The PHP15 million penalty is not enough for a huge transmission operator like NGCP, which is earning around PHP17 billion with PHP3.6 billion in declared dividends in 2024,” ani Gatchalian.

Ipinanukala ni Gatchalian na bigyan ang ERC ng kapangyarihan na magpataw ng multa na katumbas sa lawak ng proyekto at kapasidad ng operator.

Ang NGCP ay isang private concessionaire operating and maintaining sa national transmission grid, habang ang TransCo naman ay isang government-owned and controlled corporation na nilikha sa ilalim ng EPIRA at may-ari ng lahat ng transmission assets. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here