Manila, Philippines — Labing-isang taon din ang inabot bago tuluyang maisapelikula ang comeback movie ni Senator Robin Padilla.
Ito ang Bad Boy 3, na malamang ay mapapanood na sa mga commercial theaters sa Disyembre.
Noong 2022 pa nagkaroon ng special appearance ang aktor-pulitiko sa Maid in Malacañang.
Sa guesting kamakailan ng misis niyang si Mariel Padilla sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong si Robin kung nami-miss niya ba ang showbiz.
Ewan kung patama ang sagot ni Robin sa tanong, pero “valid” naman ito, aniya.
Aniya, hindi niya nami-miss ang showbiz dahil: “Mas maraming mas magaling na artista sa Senado!”
Sa kasalukuyan, mainit pa ring dininig ang tungkol sa mga maanomalyang flood control projects na kinasasangkutan ng ilang elected officials, mga tao sa bureaucracy, at contractors.
Samantala, tulad ni Robin, lie low din sa showbiz si Mariel.
Ani Mrs. Padilla, by choice ang pagiging inactive niya dahil mas naka-focus siya sa kanilang mga anak ni Robin. Hindi naman siya kinakitaan ng pagka-miss sa TV hosting, na siya ang kanyang forte. (Ronnie Carrasco III)