Home ENTERTAINMENT Aiko, pinaringgan ang DPWH!

Aiko, pinaringgan ang DPWH!

247
0

Manila, Philippines — Win na win ang patama ni Quezon City Fifth District Councilor Aiko Melendez.

Sa kanyang Facebook account, umani ng maraming positibong reaksyon ang post ng aktres-pulitiko na tila patama sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Post ni Aiko: “Gud am, grabe! Dami naka-Halloween costume ng DPWH! Proud kayo?”

Base sa mga larawan nitong nagdaang Halloween, sandamakmak ang mga nagsuot ng costume ng mga contractors at empleyado ng nasabing kagawaran.

Tulad ng alam ng lahat, nangunguna for now ang departamentong pinamumunuan ni Secretary Vince Hizon sa iniimbestigahan kaugnay ng mga maanomalyang flood control projects.

Hindi pa doon natapos ang post.

Sinulat pa niya, tumutukoy sa mga DPWH personnel: “Kayo na ang ginagaya ngayon. Ibig sabihin, nakakatakot kayo sa paningin ng tao!”

Reaksyon ng isang netizen: “Naaresto na po sila, ma’am!” Kalakip ang larawan ng mga taga-ahensya.

Isang netizen naman ang nagkomento: “Kahit hindi na sana sila naka-costume, wala namang pagkakaiba!”

Sumang-ayon din ang isa pang netizen sa tinuran ni Aiko: “Talagang nakakatakot ang mga yan!”

Sa ganitong paraan, ipinakita ni Aiko ang kanyang malasakit sa hinaing ng taumbayan ukol sa laganap na korapsyon, at naikonnek nito ang Halloween sa isang napapanahong social issue. (Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here