Home NATIONWIDE Mas mabigat na parusa vs bomb hoax offenders, suportado ng PNP

Mas mabigat na parusa vs bomb hoax offenders, suportado ng PNP

330
0

MANILA, Philippines – Suportado ng Philippine National Police ang panukalang batas sa Senado na naglalayong patawan ng mas mabigat na parusa ang mga gumagawa at nagkakalat ng maling banta ng bomba.

Ang Senate Bill No. 1076 o “False Bomb Threat Prohibition Act” ay nag-a-update sa lumang Bomb Joke/Bomb Threat Law (PD 1727) at isasama ang mga banta sa social media, messaging apps, at iba pang digital platforms.

Ani Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., makatutulong ang panukala na “magdagdag ng ngipin” sa pagpapatupad ng batas laban sa bomb threats.

Sa ilalim ng panukalang batas, maaaring makulong ang manging-bomba ng anim hanggang labindalawang taon at multahin ng P1 milyon hanggang P5 milyon, kumpara sa kasalukuyang maximum na limang taon at P40,000.

Nakikipag-ugnayan ang PNP sa mga telecom company, DICT, at social media platforms para pigilan ang pagkalat ng hoaxes.

Maaari ring bumuo ng technical working group ang PNP upang tulungan ang pag-refine ng panukalang batas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here