Home NATIONWIDE Sotto: ‘Di ako protektor ni Romualdez

Sotto: ‘Di ako protektor ni Romualdez

276
0

MANILA, Philippines – Binalewala ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang akusasyon na pinoprotektahan niya si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng Senate Blue Ribbon Committee hearings sa anomalous flood control projects.

Ani Sotto, hindi niya kailanman pinrotektahan ang sinuman at kailangang isaalang-alang ang inter-parliamentary courtesy kapag sangkot ang kasalukuyang kongresista.

Karaniwang iniimbitahan lamang ng Senado ang House members kung sila ay sponsors ng partikular na panukalang batas.

Sa tanong kung gaano kahalaga si Romualdez bilang testigo, sinabi ni Sotto na minsan lamang itong nabanggit at hindi niya kayang husgahan ang kahalagahan nito.

Plano ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na itakda ang susunod na hearing sa Nob. 14, kung muling maireelected bilang chairman ng panel.

Ayon kay Lacson, isang “napakahalagang testigo” ang iimbitahin para mapabilis ang pagsasampa ng kaso laban sa ilang politiko, DPWH officials, at mga kontratista. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here