MANILA, Philippines – Ibinabala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magiging sing-bagsik ng bagyong Pepito ang paparating na bagyong Uswan.
Ani PAGASA Administrator Dr. Nathaniel Servando, ang paparating na Super Typhoon Uwan (international name: Fung-wong) ay maaaring kasing-lakas ng Super Typhoon Pepito noong nakaraang taon.
Nagbabala siya sa posibleng malawakang pagbaha at landslide, at binanggit na halos pareho ang landas ng Uwan sa Pepito, na lubhang nakaapekto sa Quezon, Aurora, at Catanduanes.
Ani Servando, ang pinakamataas na wind signal na maaring ipataw para kay Uwan ay Tropical Cyclone Wind Signal No. 5, gaya ng nangyari noong Pepito. RNT