Home NATIONWIDE P74-M halaga ng palayan, winasak ni Tino sa Canlaon City, NegOr

P74-M halaga ng palayan, winasak ni Tino sa Canlaon City, NegOr

374
0

MANILA, Philippines – Matinding naapektuhan ng Bagyong Tino ang hindi bababa sa 1,794 na magsasaka ng palay sa Canlaon City, Negros Oriental, na sumasakop sa 1,808.10 ektarya ng palayan, ayon sa ulat ng City Agriculture Office.

Ayon kay Melo Jean Villamonte, ang nasirang palay ay maaaring nakapag-generate ng kabuuang kita na higit P115 milyon, pero umabot na sa P74 milyon ang nalugi.

Ang Canlaon, na kilala bilang “Vegetable Basket of Negros Oriental,” ay umaasa nang malaki sa agrikultura.

Ayon kay City Information Officer Seth Bariga, nananatiling isolated ang maraming komunidad dahil sa landslide at sirang kalsada.

“For now, local efforts are focused on rescue and recovery operations,” ani Bariga. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here