Home NATIONWIDE DSWD: 8.4-M katao masasapul ng bagyong Uwan

DSWD: 8.4-M katao masasapul ng bagyong Uwan

491
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tinatayang aabot sa 8.4 milyon ang maapektuhan kung tatama ang potensyal na super typhoon Uwan sa Pilipinas.

“Based on our analysis, the total potentially affected population would be 8.4 million based on the [Philippine Statistics Authority] 2020,” ani DSWD Assistant Secretary Leo Quintilla. Karamihan sa maapektuhang populasyon ay nasa Ilocos Region (3.5 milyon), Cagayan Valley (2.03 milyon), at Cordillera Administrative Region (1.4 milyon), habang 1.3 milyon naman sa Central Luzon.

Nanganganib din ang Quezon, Occidental Mindoro, at Catanduanes.

May 2.04 milyong family food packs at P2.7 bilyong standby funds ang DSWD para sa mga apektadong pamilya.

Ayon sa PAGASA, ang Severe Tropical Storm Fung-wong, na tatawaging Uwan sa bansa, ay lumalakas at inaasahang tatama sa southern Isabela o northern Aurora sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.

Maaaring umabot sa lakas ng bagyo ang Uwan sa loob ng 24 oras at maging super typhoon pagsapit ng Sabado ng gabi o Linggo ng umaga. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here