MANILA, Philippines – Isinailalim ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang lahat ng operasyon sa paliparan sa heightened alert bilang paghahanda sa Severe Tropical Storm “Uwan” (international name Fung-wong), na pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) nitong Biyernes ng gabi.
Sa isang advisory nitong Biyernes, inatasan ni CAAP director general Raul del Rosario ang lahat ng airport managers na i-activate ang kani-kanilang emergency preparedness at response plans para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, aircraft at airport facilities.
Nauna nang iniulat ang mga kanseladong flight, ayon sa CAAP. RNT/MND