MANILA, Philippines – Inilabas ng Department of Transportation (DOTr) ang iskedyul ng mga pagsasara ng kalsada kaugnay ng konstruksiyon ng estasyon ng Kamuning busway.
Ayon sa DOTr, puspusan na ang konstruksiyon ng Kamuning footbridge.
Dahil dito, isasarado ang hilagang bahagi ng kalsada mula Nobyembre 15 hanggang 17, 1 a.m. hanggang 4 a.m., habang ang katimugang bahagi naman ay isasarado mula 1 a.m. hanggang 4 a.m. sa Disyembre 11 hanggang 15.
Ayon sa DOTr, pansamantalang iiwasan ng mga bus sa EDSA Busway ang apektadong bahagi ng Kamuning Busway Station sa nakatakdang petsa ng pagsasara para bigyan daan ang pag-angat at mobilisasyon ng steel components.
Una nang inanunsiyo ng DOTr na binigyan ng mahigit P89 milyon na badyet ang “Mt. Kamuning” para sa rehabilitasyon nito.
Nakatakdang matapos ang proyekto sa Disyembre ngayong tao. Jocelyn Tabangcura-Domenden