Home ENTERTAINMENT Andrea at Bea, spotted sa BGC, gumimik?

Andrea at Bea, spotted sa BGC, gumimik?

350
0

Manila, Philippines – Halos sabay na dumating sina Andrea Brillantes at si Bea Alonzo sa isang gimikan sa BGC, sa Medusa Supper Club sa The Palace, on a Friday night.

Walang ka-date si Andrea, wala ring ka-date si Bea.

Sinabi nga agad ni Andrea na kumalat agad sa socmed na spotted siya sa BGC kaya nag-message din agad ang kanyang COF (Circle of Friends) na nagtanong kung talagang nasa BGC siya para gumimik.

Yes, totoo namang nasa Medusa sina Andrea at Bea pero hindi para gumimik on a Friday night.

Present ang dalawa for the big reveal ng NUSTAR Online bilang silang dalawa ang newest brand ambassador ng nasabing pinakamarangyang online entertainment platform ng bansa.

Ang pinaka-iconic na pagsasama-sama ng isang resort sa Cebu at NUSTAR Online ay pinalawak para magbigay ng isang karanasang digital na mapagbigay, matatag, at madaling mararating ng mga Pinoy.

Mula sa husay ng interface hanggang sa curated game offerings, ang NUSTAR Online ay idinisenyo para sa mga Pinoy na nagbibigay halaga sa paglilibang.

Ang kada detalye ng platform ay sumasalamin sa pananaw ng NUSTAR: isang maayos na pagsasanib ng world-class leisure at online convenience.

“When they offered me the project, it feels relatable. It’s done with taste and class.

“I’ve been in the business for 25 years. Been running after something like my dreams. But I always forget to keep the balance and give time to myself, and now I am doing it na.

“I am now living my life in my own terms. That is one of my winning moments,” sabi pa ni Bea na ang ganda-ganda nu’ng gabi na ‘yon.

Very obvious na happy si Bea sa kanyang lovelife, with her rumored boyfriend, Vincent Co.

With NUSTAR Online, binanggit naman ni Bea na ang mga fans niya ay very responsible, “and they know that if you enjoy something, you should do it in moderation.”

Kitang-kita naman sa mata ni Andrea ang excitement lalo’t kasama nita si Bea na tinatawag niyang ‘Ate Bea’.

Nag-share din naman si Andrea ng kanyang winning monents.

“Winning moment ko yung naka-ten hours of sleep ako today, ‘yon ang pinaka-recent.

“Kino-consider ko kasing winning moment kapag masaya ang puso ko, geniuinely.

“Sometimes, the small win reallymatters and ‘yung sleep, big thing sa akin yun,” sabi niya.

Nakita ng NUSTAR Online kay Bea ang anino ng pangako, bilang platform na ang pinagbabatayan ay pagtitiwala, kakisigan, at hindi natitinag na pamantayan ng kahusayan.

On the other hand, si Andrea ay isang Gen-Z star na umangat sa pagiging matapang, totoo, at may karisma. Siya ay kumakatawan sa bagong henerasyon ng mga Filipino – mga taong namumuhay sa mundo ng digital, naglalaro nang walang hangganan at naghahangad ng pananabik sa bawat paraan na ginugugol ang mga oras. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here