Home HOME BANNER STORY 4 bayan sa Aurora isolated sa Super Typhoon Uwan

4 bayan sa Aurora isolated sa Super Typhoon Uwan

386
0

MANILA, Philippines – Hindi na mapuntahan ang apat na bayan sa probinsya ng Aurora matapos ang dalawang oras na pananalasa at paghagupit ng Super Typhoon Uwan sa naturang probinsya.

Ayon kay Aurora Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Engr. Elson Egargue, ang mga bayan ng Dipaculao, Dinalungan, Casiguran, at Dilasag ay nananatiling isolated o hirap mapuntahan dahil sa kabi-kabilang landslide.

Naputol din ang bahagi ng Baler–Casiguran Highway sa Sitio Amper, Barangay Gupa sa Dipaculao matapos ma-wash out ng storm surge.

Ang Super Typhoon Uwan ay nag-landfall sa Dinalungan, ngunit ayon kay Egargue, limitadong impormasyon lamang ang nakakarating sa emergency command center ng PDRRMO sa Baler dahil sa hirap sa komunikasyon.

“Kanina po ay nakontak ko na si Mayor at ang nire-request nga po niya ay ma-clear ka agad yung daan, Baler to Casiguran, kasi isolated sila ngayon gawa ng mga series of landslides po,“ ani Egargue.

Sa ulat, umabot sa tatlong metro ang taas ng storm surge na tumama sa coastal areas sa Baler, Dingalan, Dipaculao, at Dinalungan. Nagpapatuloy pa ang damage assessments kaugnay nito.

“Sa may Sitio Amper sa Barangay Gupa sa Dipaculao, yung highway putol, kinain na ng storm surge, isolated sila doon pero pinapunta ko na ang DPWH,” dagdag ni Egargue.

Samantala, nananatiling unstable ang telecommunication at internet signal sa buong probinsya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here