MANILA, Philippines – Nasa 26 na istasyon ng pulis at headquarters ang nagtamo ng pinsala dahil sa pananalas ng Bagyong Uwan, iniulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Nobyembre 10.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP public information chief Brig. Gen. Randulf Tuaño na apektado ang mga sumusunod an municipal police stations:
Nasira rin ang ika-11 municipal police station sa Eastern Visayas.
Ganito rin ang nangyari sa dalawang regional headquarters at 11 istasyon ng pulis sa Bicol Region bagamat hindi pa nito natatanggap ang buong report.
Ani Tuano, ang mga apektadong istasyon ng pulis ay nagtamo ng mga sirang bubong, gutter at bintana.
“Still, the police there are operational… The damage is rather minor, if we could say so, not that heavy. Even if there was damage, our police are still there,” pahayag naman ni PNP community relations deputy director Brig. Gen. Vina Guzman.
Samantala, mayroon namang 27 uniformed at isang non-uniformed personnel ng PNP ang apektado ng bagyo matapos masira ang kanilang mga bahay.
Maaaring humingi ng tulong ang mga apektadong indibidwal mula sa PNP. RNT/JGC