Home NATIONWIDE P3.4M iligal na droga nakuha sa 3 big-time tulak sa Cavite

P3.4M iligal na droga nakuha sa 3 big-time tulak sa Cavite

1
0

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang tatlong hinihinalang bigtime drug pusher sa isinagawang operasyon sa Brgy H2, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa nakalap na report, pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Cavite Police, Cavite Maritime Group ang nasabing operation.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas na Amir, 51 anyos, Jamala, 51 at Amira, 46, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Base sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon nitong Nobyembre 8, 2026, isang buybust operation ang ikinasa ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team (RSET) 1 at RSET 2 kung saan nadakip ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga ito ang limang medium size na transparent plastic bag na naglalaman ng shabu, 500 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na P3,400,000.00, buy-bust money, isang cellphone, isang motorsiklo, mga ID at isang Official Receipt mula sa LTO.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) kaugnay ng Section 26(b) (Conspiracy to Sell Dangerous Drugs) sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here