MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos, ang pag-turnover ng mga laptop sa ilalim ng DepEd Computerization Program sa Dagupan City National High School sa Pangasinan.
Layon nito na higit na mapahusay ang kanilang pagtuturo at mapabuti ang karanasan sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sa Dagupan City, 209 na laptop ang ilalaan sa 10 pampublikong paaralan, kabilang ang 72 para sa Dagupan City National High School.
Gagamitin ang mga ito sa paghahanda ng lesson plans, paggawa ng instructional materials, at paggamit ng digital tools sa kanilang pagtuturo.
Kalakip din ng programa ang training para sa mga guro upang masulit nila ang paggamit ng mga laptop at digital tools sa kanilang mga silid-aralan.
Kasabay nito, patuloy na pinalalawak ng pamahalaan ang access sa maaasahang internet sa mga pampublikong paaralan upang mas marami pang digital learning resources ang mapakinabangan ng mga guro at mag-aaral.
Sa pagbibigay ng sapat na kagamitan at suporta sa ating mga guro, mas maraming panahon ang maaari nilang ilaan sa paggabay sa kanilang mga mag-aaral.
Dahil ang mas mahusay na suporta sa mga guro ay nangangahulugan din ng mas malinaw at mas makabuluhang learning experiences para sa ating mga mag-aaral. KRIS JOSE