Home NATIONWIDE SC may paglilinaw, walang inilalabas na arrest warrant kay Bato

SC may paglilinaw, walang inilalabas na arrest warrant kay Bato

316
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Supreme Court na walang anumang inilalabas ang korte patungkol sa pagpapa-aresto kay Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Ginawa ang paglilinaw ni Supreme Court Spokesperson, Atty. Camille Ting matapos niyang mariing itanggi ang inilabas sa isang Facebook page na umano’y pahayag ni Chief Justice Alexander Gesmundo.

Sinabi ni Supreme Court Spokesperson, Atty. Camille Ting na ang naturang social media post ay mali o kasinungalingan lang.

Giit ni Atty. Ting, walang anumang pahayag ang Kataas-taasang Hukuman partikular ang punong mahistrado patungkol sa senador.

Sa naturang post, makikita ang mensahe na may larawan at pangalan ni Chief Justice Gedmundo na nagsasabing hindi maaaring isilbi agad ang warrant of arrest kay Dela Rosa dahil kailangang muna itong idaan sa Supreme Court.

Nakasaad din sa post na hindi maaaring maulit ang naunang insidente tulad ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil ang Supreme Court lang aniya ng Pilipinas ang may karapatan na umusig sa kapwa Filipino, pero ang post na iyon ay mariing itinanggi ng Korte Suprema at iginiit na hindi ito sa kanila nanggaling.

Nauna riyan ay naging kontrobersyal ang isyu makaraang kinumpirma ni Ombudsman Crispin Remulla na naglabas umano ng warrant of arrest ang International Criminal Court laban kay Senator Dela Rosa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here