Home METRO PH most wanted, patay sa engkuwentro sa Cavite

PH most wanted, patay sa engkuwentro sa Cavite

1
0

CAVITE, Philippines – Napatay ang isang lalaking kabilang sa national most wanted list matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis na magpapatupad ng arrest warrant sa Barangay Tua, Magallanes, Cavite, noong Nob. 1, Araw ng mga Santo.

Ayon sa ulat, nagtago ang suspek sa likod ng isang kubo na gawa sa kawayan bandang alas-10:30 ng umaga upang makaiwas sa papalapit na mga pulis.

Umano’y pinaputukan ng lalaki ang mga pulis gamit ang .45-caliber pistol ngunit hindi ito tinamaan. Gumanti naman ng putok ang mga awtoridad at tinamaan ang suspek na agad namatay sa lugar.

Wanted ang lalaki dahil sa mga kasong murder at frustrated murder.

Narekober ng mga pulis malapit sa suspek ang isang .45-caliber pistol, isa pang baril na hindi pa natutukoy ang kalibre na nakasukbit sa kanyang baywang, isang basyo ng bala ng .45-caliber at dalawang basyo ng 9mm.

Kabilang ang suspek sa national most wanted fugitives list na may nakalaang P115,000 pabuya sa ikadarakip nito.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng arrest warrant na inilabas noong Enero 4, 2012 ni La Union Regional Trial Court Judge Manuel Aquino ng Branch 30 sa bayan ng Balaoan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here